
Ang Tribung Pala'wan ay gumagamit din ng supok o "bamboo blow guns". Ito ay ginagamit sa pangangaso upang mahuli ang mga ibon o anumang hayop na maaaring mapakinabangan o pwedeng makakain. ang supok ay yari sa kawayan na maliliit o tinatawag na "boho" na may haba sa humigit kumulang sa dalawang (2) metro. Tinatanggal ang buko na nasa gitna ng boho upang ang butas ay nito ay tagos sa magkabilang dulo.
Sa paggamit ng supok, ito ay nilalagyan ng bala o tinatawag na "besley" o "barawang" na magsisilbing bala nito na tatama sa gustong patamaan nito - tulad ng ibon o anumang hayop. Ang bala ng supok ay maaaaring lagyan ng "dita" o lason upang ang natamaan ng bala ay mamamatay kaagad.
إرسال تعليق